Umaasa si Gilas Pilipinas team manager Gabby Cui at program director Tab Baldwin na agad na gumaling mula sa kaniyang injury si Matthew Wright.

Ito ay matapos ang tuluyang pag-atras na makasali sa first window ng FIBA qualifiers.

Sinabi naman ni Cui na malaki ang interest ni Wright na makasali sa national team subalit kailanga pa ang pagpapagaling ng kaniyang ankle.

Papalit sa puwesto nito ay si Javee Mocon kung saan nagpakita na rin ito ng kagustuhan na tumulong sa koponan.