Nakuha ng Gilas Pilipinas Boys Under-16 ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa nagpapatuloy na 2025 FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers .
Tinambakan nila ang Singapore 101-37 sa laro na ginanap sa Bren Z. Guiao Sports Complex sa Pampanga.
Nagtala ng double digits scores ang anim na manlalaro ng bansa sa pamumuno ni Everaigne Cruz na mayroong 14 points, tatlong rebounds at assists habang mayroong 13 points, anim na assists at limang rebounds si Jhustin Hallare.
Sa simula pa lamang ng laro ay dominado ng pambato ng bansa ang laro.
Naging epektibo aniya ang ipinatupad na depensa ng kanilang coach na si LA Tenorio dahil sa nalimitahan ang kanilang shooting.
Susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas U-16 ang Indonesia na nananatiling wala pa ring talo.