-- Advertisements --

Ikinalungkot ni ai Sotto ang hindi paglalaro niya sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Aisa Cup 2025 sa buwan ng Agosto.

Sinabi nito na wala pang katiyakan kung hanggan kailan ito tuluyang gagaling ang knaiyang ACL injury sa kaniyang kaliwang tuhod.

Nakatuon ang atensiyon niya ngayon sa pagpapagaling para makapaglaro na ito.

Nakamit ng 7-foot-3 ang injury noong Enero habang naglalaro sa Japan Basketball League.

Dagdag pa nito na kailangan ngayon ang full-recovery mula sa injury na aabutin ito ng isang taon.

Umaasa ito na makakasali siya sa laro ng Gilas Pilipina sa first window ng FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers na gaganapin sa buwan ng Nobyembre.