-- Advertisements --

Binigyan ng pagkilala ng Gilas Pilipinas si Japeth Aguilar matapos na magdesisyon na magretiro sa paglalaro sa national basketball team.

Ang 38-anyos na si Aguilar lamang kasi ang natitirang manlalaro ng orihinal na Smart Gilas Pilipinas.

Matapos ang panalo nila kontra sa Guam para sa first window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ay iprinisenta ng mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kay Aguilar ang naka-frame na uniporme nito.

Itinuturing din na ang laro ni Aguilar sa Ateneo Gym ay isang homecoming dahil sa dito ito naglaro ng dalawang season.

Magugunitang naging Gilas Pilipinas player si Aguilar mula pa noong 2009.