Sunao Tsoboi
-- Advertisements --

Pumanaw na ang Japanese anti-nuclear weapons campaigner na si Sunao Tsuboi sa edad 96.

Ayon sa kampo nito na anemia ang sanhi ng kamatayan ni Tsuboi.

Kabilang kasi ito sa nakaligtas sa August 6,1945 sa Hiroshima atomic bombing.

Papasok na sana ito kolehiyo ng mangyari ang pagsabog na nagresulta sa pagkasawi ng mahigit 140,000 katao.

Nakasalamuha din nito si dating US President Barack Obama ng bumisita ito sa Hiroshima noong taong 2016.

-- Advertisement --