-- Advertisements --

Magpapadala ang Japan ng kanilang team na tutulong para matanggal ang malawakang oil spill sa Najuan, Oriental Mindoro.

Sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na nakipag-ugnayan na sila sa gobyerno ng bansa para sa ibibigay nilang tulong.

Pagtitiyak nito na kaisa ang Japan tuwing may mga hamon na pinagdadaanan ang Pilipinas.

Magugunitang ilang mga lugar sa Oriental Mindoro ang nagdeklara na state of calamity dahil sa malawakang epekto ng oil spill bunsod ng pagtagas ng oil tanker.