Nakaranas ng higit sa isang buwang ulan sa loob lamang ng 24 oras ang dalawang lugar sa Visayas dahil sa Bagyong Tino, ayon sa state weather bureau.
Sa Maasin City, Southern Leyte, umabot sa 235.2 millimeters ang ulan katumbas ng 33 araw na ulan sa Nobyembre.
Sa Mactan Station, Lapu-Lapu City, naitala naman ang 183 millimeters, halos isa’t kalahating buwang dami ng ulan.
Dahil dito, malalim na baha ang naranasan sa Talisay, Mandaue, Liloan, at Consolacion, Cebu.
Mula pa noong Lunes ng hapon hanggang nitong Martes ng umaga, nakataas na ang red rainfall warning sa buong probinsya ng Cebu.
Ilan pang lugar na nakapagtala ng malaking volume ng ulan sa loob ng 24 oras ay Juban, Sorsogon (177 mm), Surigao City (162 mm), at Roxas City (100 mm).
Matatandaan, nauna ng nag-landfall ang bagyo sa Southern Leyte, Cebu, at Negros Occidental, at inaasahang lalabas ng bansa mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Nobiyembre 6.















