-- Advertisements --

Inaprubahan ng gobyerno ng Japan ang P20 milyon “small-scale projects”.

Ang nasabing apat na programa ay sa ilalim ng Grant Assistance for Grassroots Human Security Projects’s Prorgram.

Sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na binubuo ito ng P2.7 milyon para sa pagbili ng ambulansya sa lungsod ng Paranaque; P6-M sa paggawa ng Grace Park Health Center sa Caloocan; P6.4-M sa pagbili ng medical equipment sa Rural Health Unit sa Palo, Leyte at P4.5-M sa pagbili ng refrigerated trucks ng NGO Ahon sa Hirap, Inc.

Dumalo sa pagpirma ng kontrata kasama ni Koshikawa sina Paranaque Mayor Edwin Olivarez, Caloocan Vice Mayor Macario Asistio at ASHI Chairman Henry Herrera.