-- Advertisements --
Maagang natapos ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Japan Women’s Open.
Ito ay matapos talunin siya ni Tereza Valentova ng Czechia sa score na 6-1, 6-2.
Dominado ng World number 78 na si Valentova ang laro na tumagal ng isang oras at 29 minuto.
Kagagaling lamang ni Eala sa maagang pagkatalo sa Wuhan Open qualifiers nitong Oktubre 4 sa kamay ni Moyuka Uchijima ng Japan.
Babalik sa China ang 20-anyos na si Eala sa susunod na linggo para sa Guangzhou Open.