-- Advertisements --
Hinatulan ng parusang kamatayan ng korte sa Japan ang lalaki na pumatay ng apat na katao.
Naganap ang krimen noong 2023 sa isang shooting at stabbing.
Sinaksak ng 34-anyos na suspek na si Masanori Aoki ang dalawang babae habang naglalakad sa Nakano City bago pinagbabaril ang dalawang pulis na rumesponde gamit ang hunting rifle.
Hindi pinanigan ng korte na dumaranas ng schizophrenia o ang pagkabalisa ang suspek.
Naaresto ang suspek matapos na ito magtago sa isang bahay.