-- Advertisements --

Nagkampeon sa Paris Masters si Jannik Sinner matapos talunin si Felix Auger-Aliassime.

Nakamit ng 24-anyos na si Sinner ang 6-4, 7-6 (7/4) para makuha ang kauna-unahang titulo sa Paris Masters.

Dahil sa pagkampeon ay pasok na ito sa numero uno ng Association of Tennis Professionals.

Unang naging numero ang Italian tennis star noong Hunyo ng nakaraang taon at natalo siya ni Carlos Alcaraz noong Setyembre sa US Open.