Evacuees afghans Afghanistan
-- Advertisements --

Magpapadala rin ang bansang Japan ng tatlong military aircraft upang i-rescue rin ang kanilang ilang mamamayan na naiipit pa rin sa Afghanistan.

Ayon sa spokesman ng gobyerno ng Japan na si Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato magpapadala sila ng isang C-2 transport aircraft ngayong araw at bukas naman ay dalawang C-130 cargo plane patungong Afghanistan.

Layon nito na magsagawa rin ng evacuation sa mga Japanese nationals at embassy staff at ilan pang nagtatrabaho sa mga international organizations doon.

Maaari ring tanggapin din daw ng Japan forces ang ilang nagnanais na umalis ng Afghanistan.

Una nang inilikas ang mga Japanese diplomats patungong Dubai matapos na i-shutdwon ang kanilang embassy sa capital na Kabul nang maagaw ng Taliban ang kontrol ng gobyerno ng Afganistan.

-- Advertisement --