Nanguna na si Los Angeles Lakers star LeBron James sa ikalawang round ng botohan ng 2020 NBA All-Star Game.

Naungusan na nito sina Dallas Mavericks guard Luka Doncic at Milwaukee Bucks at Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo na nanguna sa unang round ng botohan.

Mayroong 3,359, 871 ang boto na nakuha ni James habang si Donic ay mayronong 3,277,870 at 3,259,383 ang Bucks star.

Inaasahan naman ng mga fans na mababago pa ang listahan sa gaganaping ikatlo at huling botohan sa darating na Enero 20.

Gaganapin ang NBA All-Star game sa Pebreo 16 sa Chicago.

-- Advertisement --