LBJ TATTOO
LeBron James tattoo

Idinaan sa paglalagay ng tattoo nina Los Angeles Lakers stars LeBron James at Anthony Davis ang pagkilala kay NBA legend Kobe Bryant.

Sa kaniyang kanang hita inilagay ni Davis ang Black Mamba logo ni Bryant.

Isinagawa ni Davis ang paglabas ng kaniyang tattoo matapos na ibinunyag ni James ang ipina-tattoo rin niya para kay Bryant.

Sa kanang hita ni James ay makikita ang Black Mamba ni Bryant na may jersey number 8 at 24 at nakasulat ang “Mamba for life.”

Iisa ang gumawa ng nasabing tattoo ng dalawa at ito ay ang kilalang si tattoo artist Vanessa Aurelia.