-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang kasapi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region VI matapos pinagbabaril ng isang sundalo kasunod ng road rage sa Bangga Dama, Brgy. Bolong Oeste, Sta. Barbara, Iloilo.

Ang biktima ay si Jail Senior Inspector Andrew Larupay, 51, district jail warden ng BJMP sa La Carlota City, Negros Occidental at residente ng Barangay Caninguan, Lambunao, Iloilo.

Ang suspek ay si Private First Class Bjourn Kirby Esposo, 26, nakadestino sa 12th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Calinog, Iloilo at residente ng Barangay Malitbog Ilaya, Bingawan, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Raymond Celoso, hepe ng Sta. Barbara Municipal Police Station, sinabi nito na inamin ng suspek na napilitan siyang magpaputok ng baril dahil minura siya at hinampas umano ng biktima sa ulo gamit ang baril.

Samantala sumuko naman ang dalawa pa nitong kasama na isang pulis at miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit.

-- Advertisement --