Binigyang halaga ng sexy actress na si Ivana Alawi na dapat irespeto lagi ang mga kababaihan kahit anuman ang suot nito.

Reaksyon ito ni Alawi sa karapatan ng mga kababaihan kasunod ng mga kontrobersiya na kinakaharap nina Liza Soberano at Catriona Gray.

Ibinunyag pa nito na nakaranas siya ng makailang ulit na pambabastos noong ito ay nagtatrabaho bilang model.

Bukod aniya sa mga catcallling ay may tsansa pa na hinahawakan pa ang kaniyang katawan.

Iginiit pa ng 23-anyos sexy model na kahit anong kasarian pa ng tao o kasuotan ay nararapat talagang mabigyan ang mga ito ng respeto.