Naglaan ang gobyerno ng Italy ng ilang oras na katahimikan para sa mga ilang libong nasawi ng madapuan ng coronavirus.

Dinaluhan ng mga opisyal gaya ni Rome Mayor Virginia Raggi ang memorial ceremony para ipagdasal ang nasa 12,428 na nasawi.

Inilagay din sa half mast ang bandil nila sa lahat ng mga opisina ng gobyerno.

Nitong Martes ay mayroong 837 ang nasawi na siyang pangalawa sa pinakaraming nasawi sa isang araw kung saan ang pinakamaraming bilang ay 969 sa isang sa araw na naitala nitong Biyernes.