Inilagay na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 2 sa Israel sa gitna ng nagpapatuloy na giyera doon. Ito ang inihayag ni DFA Usec. Eduardo de Vega.
Sa ilalim ng Alert Level 2 o Restricted Phase, bawal na ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa duon.
Pero ayon kay de Vega, sa ngayon ay status quo naman ang deployment ng overseas Filipino workers sa Israel.
Paliwanag ng opisyal, ang estado para sa caregivers ay sumasailalim pa sa negosasyon mula noong 2020.
Naka-hold naman ang higit 100 hotel workers na may schedule dapat na bumiyahe dahil hinihintay pa ng pamahalaan ang go signal ng kanilang counterpart sa Israel.
Inihayag naman ni De Vega na kasalukuyang naghahanda na rin sila para sa posibleng repatriation ng ating mga kababayan.
Dagdag pa ni De Vega sa ngayon ginagamitan na ng diplomatic approach para sa ibang bansa ng sa gayon mabuksan ang borders.