Unti-unti nang naisasapubliko ang national costume ng Miss Universe candidates, na isa sa inaabangan sa pre-pageant activity.

Kabilang agad sa gumagawa ng ingay ay ang irarampa ni Miss Israel Tehila Levi dahil sa napiling dress na may temang “after COVID.”

Miss U Israel 2

Ayon sa Miss Israel Organization, hand painted na ang naturang corona masks ng Moscow-based designer na si Shai Salom.

Gawa ito sa 300 face masks na simbolo ng pagiging essential accessory nito.

Sentro ng evening gown ng Miss Israel ang kulay puti at itim na medical mask, at isinama rin ang elastic cords.

“The masks represent the Corona-Pandemic and I’m happy to wear them and the fact that they have become a fashion accessory is an amazing idea,” ani Levi sa isang panayam.

Sa darating na May 17, Manila time, gaganapin an 69th edition ng Miss Universe sa Florida kung saan pambato ng bansa ang half Indian beauty mula Iloilo na si Rabiya Mateo.