BAGHDAD, Iraq – Muling gumawa ng propaganda video ang Islamic State group (ISIS) elusive chief Abu Bakr al-Baghdadi matapos ang limang taon.

Ang naturang video ay inilabas ng jihadist organization pero hindi naman malinaw kung kailan na-film ang footage.

Gayunman, ang naturang video ay may kinalaman daw sa pag-atake sa Sri Lanka at ang ilang buwang pakikipagdigma ng mga teroristang grupo sa Baghouz sa Syria na nagtapos noong Marso.

Si Baghdadi na ngayon ay 47-anyos na ay huling nagpakita sa publiko sa Mosul noon pang taong 2014.

Dito niya idineklara noong ang Islamic “caliphate” sa Syria at Iraq.

-- Advertisement --

Mula noon ay sinasabing napatay na ang terorista. (AFP)