Ikinatuwa ng Islamic State (IS) group ang pagkapatay kay Iranian general Qasem Soleimani.

Sa inilabas na pahayag ng grupo, itinuturing na isang ‘divine intervention’ ang nasabing pagkapatay.

Mabebenepisyuhan dito ang ISIS.

Hindi naman binanggit sa kanilang pahayag ang US na siyang nanguna sa operasyon.

Si Soleimani kasi ang nagpalayas sa mga ISIS sa Iraq noong 2016.