-- Advertisements --

Aabot sa 99.9 percent ang match rate ng isinasagawang random manual audit (RMA) ng mga boto noong May 9 elections kumpara sa automated tally.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 99.97 percent accuracy ang naitala para sa presidential position, 99.94 percent naman para vice presidential, 99.97 percent sa senatorial, 99.79 percent sa party-list, 99.95 percent sa mga miyembro ng House of Representatives at 99.94 percent para sa mayoral positions.

Ang resulta ng RMA ay base sa 128 sa 757 o 16.91 percent ng total sample clustered precincts.

Sinabin naman ng poll body na ang computation ng preliminary accuracy rate ay base sa marks at votes sa kada posisyon.

Ito ay inencoded ng Philippine Statistics Authority (PSA).