BAGUIO CITY– Patay ang isang motorcycle rider matapos maaksidente sa BGH Flyover sa siyudad ng Baguio kagabi.

Nakilala ito na si Arjai Kelvin Vidamo Timpug, 31-anyos, binata, massage therapist, tubong Capaz, Tarlac at residente ng Lower QM, Baguio City.

Ayon sa blotter ng pulisya, minamaneho ng biktima ang motorsiklo nito at nagmula ito sa Ben Palispis Highway papunta sa direksyon ng UP Drive.

Habang nagmamaneho ito sa flyover ay aksidente na nadulas ang mortorsiklo nito na nagresulta sa pagkabangga nito sa gilid ng kalsada at naihiwalay si Timpug sa iminamanehong motorsiklo.

Agad naman na tinulungan ito ng mga personnel ng Baguio General Hospital and Medical Center at dinala sa emergency center ng nasabing pagamutan.

Idineklara naman ito ng doctor na dead on arrival dahil sa natamo nitong sugat sa kanyang ulo.