KORONADAL CITY – Dikitan na umano ang labanan ng boto sa pagitan ni Democratic nominee Joe Biden at karibal nitong si Republican president Donald Trump isang araw bago ang election results.
Ito ang inihayag ni Jesse Carpenter, isang Filipino-American sa Brunswick, Georgia sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Carpenter, neck-to-neck umano ang porsyento ng mga boto sa pagitan ng dalawang kandidato sa pagkapangulo kaya hindi pa malalaman sa ngayon kung sino ang talagang mangingibabaw sa araw ng halalan.
Sa kabila nito ay umaasa siyang magiging mapayapa ang pagdaraos ng eleksyon bukas ng umaga, oras sa Pilipinas.
Hindi rin ito nagpahuli sa pagsigaw sa “Basta Radyo, Bombo.”
Nabatid na tumatakbong kongresista sa US Congress bilang independent si Carpenter, kung saan tubong-Koronadal City ang ina nito.