-- Advertisements --

Kinumpirma ng Central Intelligence Agency (CIA) na nagsagawa sila ng drone strike sa port facility ng Venezuela.

Ito ang itinuturing na direktang pag-atake ng US sa teritoryo ng Venezuela.

Tinarget umano nila ang remote dock sa Venezuelan coast na pinaniniwalaan ng US na ginagamit ito ng gang na Tren de Aragua para pagtaguan ng iligal na droga.

Walang anumang naitalang nasugatan o nasawi sa nasabing pag-atake.

Una rito ay sinabi ni Trump na target nila ang mga nagpapakalat ng iligal na droga na galing sa Venezuela.