Inatake ang isang barko sa Red Sea, sa may timog-kanlurang baybayin ng Yemen, nitong Linggo, ayon sa isang British maritime agency at isang security firm.
Isa sa mga ulat ang nagsabing ang pag-atake ay may mga palatandaan na kagagawan ng grupong militante na Houthi.
Ayon sa maritime security sources, ang barkong tinamaan ay kinilalang Magic Seas, isang bulk carrier na may bandilang Liberian at pag-aari ng isang kumpanyang Greek.
Iniulat na ang barko ay pinapasok ng tubig matapos tamaan ng mga sea drone sa isinagawang pag-atake.
Ayon sa mga abiso mula sa United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO) at British maritime security firm na Ambrey, unang inatake ang barko gamit ang putok ng baril at mga granadang may sariling propulsion, na inilunsad mula sa walong maliliit na bangka.
Sa hiwalay na ulat, sinabi rin ng Ambrey na inatake muli ang barko gamit ang apat na Unmanned Surface Vehicles (USVs) o walang pilotong sasakyang-pandagat.