-- Advertisements --

Nakatakdang lumaya na ang siyam na Filipino manlalayag ng MV Eternity C na dinukot ng mga Houthi Rebels sa Red Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ibinahagi sa kanila ng mga otoridad ng Sultanate of Oman.

Manggagaling ang mga ito sa Sanaa sa Yemen patungo sa Omani Capital na Muscat.

Sinabi naman ni DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro, na resulta ito ng tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan nila sa gobyerno ng Oman para makalaya na ang mga bihag ng mahigit limang buwan.

Una ng sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na mayroong tatlong Pinoy seafarers ang nasawi dahil sa pag-atake ng rebeldeng grupo.

Magugunitang noong Hulyo ng inatake ng Houthi rebels ang barko kung saan binihag ang mga sakay nito at pinalubog ang sasakyang pangdagat.