-- Advertisements --

Naglunsad ng airstrike ang Israel laban sa mga Houthi rebels sa Yemen.

Isinagawa ng Israel ang nasabing atake isang araw matapos na tamaan ng Houthi missiles ang kanilang paliparan.

Aabot sa 30 mga fighter jest ang ginamit ng Israel para paulanan ng missiles ang Yemen.

Una ng sinabi ni Israelie Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi nila papalagpasin ang nasabing ginawang atake na ito ng Houthi Rebels.

Kinondina naman ng Hamas ang ginawang pag-atake ng Israel sa Yemen kung saan marami ang nadamay.

Habang hugas kamay naman ang US at sinabing hindi nila sinamahan ang Israel na atakihin ang Yemen.

Magugunitang tinamaan ng Israel ang Hodeidah kung saan tinarget nila ang concrete factory doon na nagsusuporta sa mga Houthi military Industries.