-- Advertisements --

Napatay ng Israel ang isa sa mga mataas na opisyal ng Houthi rebels sa Yemen.

Ayon sa grupo, nasawi sa airstrike ng Israel si Chief of Staff Muhammad Abd al-Karim al-Ghamari isa sa mga senior military officials sa grupo.

Kinumpirma din ito ng Israel na sila ang nasabing pag-atake kay al-Ghamari.

Tiniyak naman ng Houthi rebels na sila ay gaganti sa ginawa na ito ng Israel.

Magugunitang makailang ulit ng nagsagawa ng pag-atake ang Israel sa mga Houthi rebels na sinasabing kaalyado ng mga Hamas militants sa Gaza.