-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakapagtala ngayon ng minor landslide ang isang barangay sa Mati City Davao oriental dulot ng malakas na pag-ulan.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nangyari ang insidente sa umaga sa Brgy. Lanca sa nasabing lalawigan.

Agad naman na nakigpag-ugnayan ang CDRRMO sa provincial at City engineering offices para magpadala ng mga heavy equipment para magsagawa ng clearing operation sa lugar.

Una ng sinabi ni Engr. Eduard Purisima na nakahanda ang kanilang mga ekepahe lalo na at patuloy pa rin ang mararanasan na mga pag-ulan dahil sa hindi mabuting lagay ng panahon sa ilang lugar sa Davao region.

Nabatid na apektado ang lalawigan ng Mati Davao Oriental sa nararanasan na mga pag-ulan simula pa sa nakaraang araw.

-- Advertisement --