-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagtala ng record high na panibagong kaso ng COVID-19 na 214 ang Isabela ngayiong araw ng Linggo

Dahil dito umakyat sa 976 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela matapos na maitala ngayong araw ang 214 na panibagong kaso.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, pinakarami ang bayan ng Roxas na may 83, Santiago City na 34, Jones na 33, Mallig na 20, San Isidro na 13, Ilagan City na 8 tigdadalawa sa Burgos, Cabatuan, Cauayan City, Naguillian, Quezon, San Agustin at San Manuel habang naitala ang tig-iisa sa Anfadanan, Benito Soliven, Cordon, Echague, Gamu,Sta. Maria, Sto Tomas at Tumauini.

Sa ngayon ay umabot na sa 7,279 ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan, 6,165 ang gumaling, 976 ng aktibong kaso at 138 ang nasawi.

Sa mga aktibong kaso ay 9 ang locally Stranded Individuals, 129 ang Health Workers, 21 pulis at 817 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.