KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isa sa mga pinaniniwalaang nakasagupa ng PNP-Special Action Forces (SAF) o SAF 44 noong taong 2015 matapos maaresto sa isinagawang Oplan Pagtugis ng CIDG-BARMM at Cotabato City PNP.

Kinilala ni Col. James Gulmatico, hepe ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, ang suspek na si Tamano Esmail Sabpa na nahaharap sa kasong direct assault with murder na inisyu ni Judge Alexander Betoya.

Ayon kay Gulmatico, kabilang umano si Sabpa sa mga nakaengkwentro ng PNP-SAF sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Sa ngayon ay nakakulong na ito sa CIDG-BARMM habang wala namang inirekomendang piyansa ang korte laban sa suspek.