Kyrie irving Boston
Boston Celtics Kyrie Irving (photo from @celtics)

Bumitaw ng 37 points si Kyrie Irving upang pamunuan ang Boston Celtics sa 99-91 panalo kontra sa Indiana Pacers at matangay ang 2-0 abante sa kanilang first-round playoff series.

Umasiste si Jayson Tatum ng 26 points, tampok ang isinalpak nitong dunk na nakatulong sa 10-0 bomba ng Boston sa huling limang minuto.

-- Advertisement --

Sinamantala rin ng Celtics ang 12-point fourth quarter ng Indiana, na sinuklian nila ng 31 points sa naturang yugto.

Pinamunuan naman ni Bojan Bogdanovic ang Pacers na tumabo ng 23 points, na dinagdagan ni Thaddeus Young ng 15.

Ang Indiana ang mamamahala sa Game 3 sa Sabado.