-- Advertisements --
Inihayag ni US President Donald Trump na pinayagan ng Iran ang pagdaan ng 10 oil tankers sa Strait of Hormuz.
Ayon kay Trump na ang hakbang ay bilang regalo at pagpapakita na seryoso sila sa negosasyon para matapos na ang giyera.
Dagdag pa nito na unang pinayagan ng Iran ang pagdaan ng walong malalaking barko na may kargang langis.
Habang sinundan pa ng dalawa pagkatapos ng pagdaan ng walo.
Magugunitang patuloy ang ginagawang pag-pressure ng US sa Iran na tumugon sa peace deal para matapos na ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.















