-- Advertisements --

Iniulat ng dalawang U.S. Intelligence ang ginawa ng militar ng Iran matapos aniyang maglatag ng naval mine sa kanilang mga barko sa Persian Gulf ang mga ito noong nakaraang buwan.

Nangyari ito matapos ang ginawang pambobomba ng Israel sa Iran noong Hunyo 13, na nagdulot ng pangamba sa Washington na maaaring isara ng Iran ang Strait of Hormuz —isang mahalagang daanan ng langis sa buong mundo.

Tinatayang 20% kasi ng pandaigdigang suplay ng langis at gas ang dumaraan sa Strait of Hormuz. Bagama’t bumaba ang presyo ng langis ng higit 10% matapos ang pag-atake ng U.S. sa mga nuclear facilities ng Iran, nananatili parin ang tensyon sa rehiyon.

Noong Hunyo 22, inaprubahan ng parlyamento ng Iran ang panukalang isara ang strait, ngunit hindi ito awtomatikong magiging batas. Tanging ang Supreme National Security Council lamang ng Iran ang may kapangyarihang magpatupad nito.

Hindi pa tiyak kung ang mga naval mine ay aktwal na inilagay sa dagat o kung ito ay inalis na. Tumanggi namang magbigay ng komento ang Pentagon at ang kinatawan ng Iran sa United Nations.

Samantala binigyang diin ng White House, nananatiling bukas ang Strait of Hormuz dahil sa matagumpay na operasyon ng Amerika laban sa banta sa rehiyon.