iran us

Oras na raw para malaman ng mga taga Iran ang tunay na intensyon ni US President Donald Trump sa kanilang bansa

Ito ay matapos akusahan ng Iran ang Estados Unidos na sila ang dahilan kung bakit mas lalong lumalala ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif, hanggang ngayon ay hindi raw malinaw sa kanya kung ano ang pakay ni Trump sa Iran.

Kamakailan lamang nang magpadala ang pangulo ng US ng 1,500 military forces sa Middle East upang magsilbi umanong babala sa Iran.

Saliwa raw ito sa paglilinaw ni Trump kahapon sa isinagawa nitong news conference sa Japan na wala umano siyang balak patalsikin sa pwesto ang kasalukuyang pinuno ng nasabing bansa.

Hirit naman ni Zarif kay Trump na dapat daw ay kumilos ito kung tunay ngang naniniwala siya na may magandang kinabukasan ang Iran at huwag lamang puro pagbabanta.