-- Advertisements --

Kinumpirma ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran na kanilang nakumpiska ang isang tanker sa Strait of Hormuz.

Ang Talara tanker na may watawat na Marshlla Islands ay galing sa United Arab Emirates at patungo sana sa Singapore ng kanilang maharang.

Ayon sa IRGC, nakitang lumabag ang tanker na nagdadala umano ng hindi otorisadong cargo gaya ng high-sulpur gasoil.

Makailang ulit ng nagsagawa ng pagkumpiska ang Iran ng mga cargo ship na bumabiyahe sa Persian Gulf.

Pinapatawan nila umano ito ng mga paglabag sa maritime violations gaya ng smuggling o anumang legal issues.

Patuloy naman na inaalam ng US Navy 5th fleet na siyang nagmomonitor sa rehiyon ang lagay sa nasabing lugar.

Inaalam nilang mabuti kung iligal ang pagkumpiska ng Iran sa mga cargo ship.