Reading Time: 1 minute
Bavar missile
Bavar-373

Ipinagmalaki ng Iran ang kanilang locally built air-defence system.

Mismong si Iranian President Hassan Rouhani ang nagpakilala ng bagong missile system na tinawag na Bavar-373.

Tinawag din nilang walang kuwenta ang alok ng U.S. nang pag-uusap mula ng mag-withdraw si President Donald Trump sa 2015 Iran nuclear deal.

Nagsimulang gumawa ng sarilling missile system ang Iran mula ng masuspendi ang pagbili nila ng S-300 Russian system noong 2010 dahil sa ipinataw na international sanctions.

Depensa ng Iranian President na kailangan nila itong gawin para mayroon silang gagamiting pangdepensa sakaling sila ay atakihin.