Itinigil na ng Iran ang pakikipag-ugnayan sa Ukraine tungkol sa usapin ng pagpapabagsak nila ng Ukrainian passenger jet noong nakaraang buwan.

Isinagawa ang desisyon matapos na akusahan ng Ukraine ang Iran na may direkta silang kinalaman.

Inilabas kasi sa Ukraine TV ang palitan ng komunikasyon ng air traffic control at piloto.

Nakasaad sa voice recording kung saan ayon sa Iranian pilot na nakakita ito ng kumukislap sa taas bago nakarinig ng pagsabog.

Sinabi ni Iranian investigation team head Hassan Rezaeifar, hindi na sila magbibigay ng anumang impormasyon sa Ukraine.

-- Advertisement --

Nais din kasi ng Ukraine na makita ang black box flight recorders subalit ipinagpipilit ng Iran na sila na ang bahala sa nasabing pagkuha ng impormasyon.

Magugunitang aabot sa 176 katao ang patay matapos na pabagsakin ito ng Iranian missile noong Enero 8.