-- Advertisements --

Naglabas ng inisyal na imbestigasyon ang transportation office ng Japan sa nangyaring banggaan ng eroplano ng coast guard at pampasaherong eroplano sa Haneda International Airport.

Ayon kay Japanese transport minister Tetsuo Saito, na hindi nabigyan ng clearance para mag-takeoff ang eroplano ng coast guard.

Tanging kautusan lamang sa kanila ay mag-“taxi sa holding point”.

Inilabas din nito ang transcript ng mahigit na apat na minuto ng pag-uusap sa pagitan ng air traffic controllers at dalawang eroplano.

Lumabas dito na tanging ang Japan Airlines flight lamang ang nabigyan ng permiso para lumapag sa nasabing paliparan.

Magugunitang ligtas na lahat na 379 na sakay ng Japan Airlines habang patay ang lima sa anim na sakay ng Japanese coast guard.