-- Advertisements --
Nagpahayag ng suporta ang liderato ng Senado sa planong isailalim sa lifestyle checks ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga kawani ng gobyerno.
Sinabi ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na ang nasabing hakbang ng pangulo ay nakasaad sa 1987 Constitution.
Isinaad naman ni Escudero ang nasa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na mananagot ang mga sinumang kawani ng gobyerno na kuwestiyonable ang pagyaman na hindi sumasang-ayon sa kaniyang sahod.
Magugunitang ang nasabing hakbang ng Pangulo na lifestyle checks kasunod ng anomalya sa flood control projects kung saan maraming mga opisyal ng gobyerno ang nakinabang.