Panawagan ng isang kilusan na August Twenty-One Movement o ATOM na gunitain pa rin ng publiko ang Ninoy Aquino Day ano pa man ang paniniwalang pampulitikal.
Sa inilabas na opisyal na pahayag ng naturang grupo, kanilang sinabi na dapat itong hindi kalimutan sa kada-administrasyon namumuno sa bansa.
Anila’y ang petsang August 21, 1983 ay ang siyang araw upang kilanlin ang ginawa ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. para sa bansa.
Maaalalang isa si Ninoy sa mga naging kritiko kontra sa implementasyon ng Batas Militar o Martial Law at iba pang humamon o banta sa demokrasya ng Pilipinas.
Kaya’t ngayong araw ay isinagawa ang pag-aalay ng bulaklak sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City kung saa’y mababalikang pinatay ang dating senador.
Ito’y dinaluhan ng nabanggit na kilusan kasama sina Senador Bam Aquino, Professor Xiao Chua, National Historical Commission of the Philippines Regalado Trota Jose Jr. at iba pa.