-- Advertisements --

Naharang ng Bureau of Immigration ang isang pasaherong gumamit umano ng ‘shared identity’ o ‘hiram na mukha’ sa tangkang pag-alis sana ng bansa.

Batay sa impormasyon ng kawanihan, ang babaeng 35-taon gulang mula Sulu ay sinasabing ginamit ito para lamang makabyahe palabas ng Pilipinas.

Anila’y hinarang ang pasaherong babae sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 na may flight patungo sana Malaysia.

Matapos nito’y itinurn-over ang babae sa IACAT o Inter-Agency Council Against Trafficking matapos matuklasan ang ‘inconsistencies’ sa kanyang travel documents.

Base sa isinagawang beripikasyon, nakitang hindi tugma ang travel history ng pasahero sa opisyal na records ng immigration.

Bamaga’t tunay ang ipinakitang pasaporte at birth certificate, ang ‘facial image’ naman nito ay hindi tugma sa biometrics at nakaraang pagbyahe.

Kung kaya’y malakas ang paninindigan ng mga awtoridad na ito’y indikasyon na gumamit ang pasahero ng ‘shared identity’ o hiram na mukha.

Dahil rito’y babala ni Comm. Joel Anthony Viado na posibleng maharap sa kaso ang sinuman mahuhuling ganito din ang gawain.