-- Advertisements --
image 1

Lalo pang bumilis ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa nakalipas na buwan ng Mayo.

Ayon kay National Statistician and Civil Registrar General Dennis Mapa, nakapagrehistro ang bansa ng 5.4% inflation, bagay na mas mataas kumpara sa 4.9% noong Abril.

Higit ding naging mabilis ang pagmahal ng mga bilihin kung itatapat sa 4.1 percent lamang noong Mayo 2021.

Kabilang sa mga nakaambag ng malaki sa inflation rate ang pagtaas ng mga alcoholic beverages at tobacco na may 6.8 percent; damit at footwear, 2.1 percent; recreation, sport at culture, 1.7; pati na ang personal care at miscellaneous goods at services, 2.5 percent.

Ang Cordillera ang nanguna sa mga rehiyon sa labas ng Metro Manila na may pinakamabilis na inflation sa 6.9% habang ang BARMM naman ang may pinaka mabagal na pagtaas ng mga bilihin sa 2.4%.