Reading Time: 1 minute
laoag landslide

LAOAG CITY – Nagpatibay ang sangguniang panlalawigan ng Ilocos Norte ng Resolution of Commendation of Heroic deeds para kay Ricky Manglal-lan na residente ng Barangay Salet, Bulangon sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Vice Governor Cecilia Araneta Marcos, dapat aniyang maipasa ang naturang resolusyon bilang pagkilala sa kabayanihang nagawa ni Manglal-lan.

Inaprubahan naman ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ang naturang panukala.

Una rito, namatay si Manglal-lan matapos malunod habang isinasalba ng mga kabarangay na apektado ng baha bunsod ng bagyong Ineng.

Samantala, naglikom din ng tulong pinansyal ang sangguniang panlalawigan sa naiwang pamilya ni Manglal-lan.