smog singapore

Nasa 200 katao na ang inaresto ng mga otoridad sa Indonesia na itinuturong nasa likod ng malawakang forest fires.

Ayon kay National Police spokesman Dedi Prasetyo, na hindi sila titigil sa pag-aresto sa mga nasa likod ng insidente.

Nagpakalat na rin ang gobyerno ng Jakarta ng mga bombero para maapula ang nasabing sunog.

Dahil sa nasabing sunog ay maraming mga negosyo at paaralan ang nagsara.

Umabot na rin sa mahigit 150,000 na mga katao ang itinakbo sa pagamutan matapos na makaranas ng paninikip ng dibdib dahil sa makapal na usok.

Maging ang ilang kalapit na bansa tulad ng Singapore ay umaangal na rin ang mamamayan dahil sa perwisyu na dulot nito.