Dumating na sa Indonesia ang unang shipment ng coronavirus vaccine mula sa China.

Sinabi ni Indonesian President Joko Widodo, inihahanda na ng kanilang gobyerno ang gagawing mass vaccination program.

Dagdag pa nito na mayroong kabuuang 1.2 million na doses ng Sinovac Biotech Ltd. mula sa China ang kanilang natanggap.

Mayroon pang 1.8 million na doses ang kanilang inaasahan sa buwan ng Enero.

Ang nasabing bakuna aniya ay kanilang ginagamit sa testing mula pa noong Agosto.

Isinasagawa pa kasi ang last stage trials ng Sinovac vaccine sa Brazil at Turkey na inaasahan ang interim results ng efficiency ng bakuna mula Brail sa kalagitnaan ng Disyembre.

Umaabot na kasi sa 575,796 ang kaso ng COVID-19 sa Indonesia na mayroong 17,740 na ang nasawi.