Nagdeklara ng community health emergency si Indonesian President Joko Widodo para mapigil ang pagkalat ng coronavirus.

Kasabay din nito ay idineklara din niya ang “large-scale social restrictions”.

Sinabi nito na dapat matuto ang kaniyang kababayan sa naging karanasan ng ibang mga bansa.

Paglilinaw din nito na hindi maaaring gayahin ang ibang bansa dahil may mga magkakaibang kaugalian ang isang bansa.

Umaabot na kasi sa 1,528 ang nagpositibo sa virus at 136 na ang nasawi.