Ipinagtanggol ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang bagong citizenship law nito na nagbunsod sa malawakang kilos protesta.

Sinabi nito na naipasa ang nasabing batas para matulungan ang inapi.

Dagdag pa nito na dapat irespeto ang mga mambabatas na nagpasa ng nasabing batas.

Nauna rito naglunsad ng kilos protesta ang mga kontra sa nasabing batas.

Aabot na rin sa 20 katao ang nasawi dahil sa sagupaan nila ng mga kapulisan.

Ang nasabing batas kasi ay nagbibigay ng amnestiya sa non-Muslim illegal immigrants mula sa tatlong kalapit na mga bansa ng India.