Sumulat ang information technology (IT) ng India sa lahat ng mga social media companies na tanggalin ang bansag na “Indian variant” sa bagong uri ng coronavirus.
Ayon sa Indian government, tinawag ito ng World Health Organization na coronavirus variant B.1.617 na unang nakita sa India noong nakaraang taon.
Tinagurian din ito bilang “variant of global concern.”
Dagdag pa ng Indian IT ministry na dapat tanggalin lahat ng mga social media ang “Indian variant” dahil wala silang basehan.
Nabatid na umaani ng batikos ang gobyerno ng India dahil sa paghawak nito ng coronavirus pandemic kung saan hindi raw napagplanuhang mabuti ni Prime Minister Narendra Modi ang pagdating “second wave” ng pandemic.
Aabot na rin sa 26 milyon ang kaso ng COVID (Coronavirus Disease) sa nasabing bansa.